M3.1 na lindol naramdaman sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Burgos sa Surigao del Norte.

Sa abiso ng PHIVOLCS, naganap ang lindol kaninang alas-2:01 ng madaling araw.

Naitala ang episentro ng pagyanig sa 56 kilometro, hilagang silangan ng Burgos.

May lalim itong isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang anumang pagksira sa mga ari-arian o aftershocks ang naturang lindol.

Read more...