M4.2 na lindol yumanig sa Baler, Aurora

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Baler, Aurora alas-10:50 ngayong gabi.

Nauna nang sinabing magnitude 4.1 ang lindol ngunit itinaas din sa magnitude 4.2.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 30 kilometro Silangan ng Baler.

May lalim itong apat na kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang intensity IV sa Baler, Maria Aurora at Dipaculao, Aurora.

Intensity III sa Dinalungan, Aurora habang intensity II sa Dingalan, Aurora.

Instrumental intensity I naman ang naitala sa Palayan City, Cabanatuan City at San Ildefonso, Bulacan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...