Napalapit ang San Beda Red Lions sa kampeonato matapos talunin ang College of St. Benilde Blazer sa kanilang naging tapatan kagabi para sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament.
Natapos ang laro sa iskor na 77-55, pabor sa Red Lions.
Dahil sa kanilang pagkapanalo ay kapatantay ng San Beda ang Lyceum sa top spot ng torneo at kapwa mayroong 14-1 na win-loss record.
Ang St. Benilde naman ay nasa ikalimang pwesto na mayroong 8-7 na record.
Ayon kay Red Lions head coach Boyet Fernandez, target nila ngayon ang magkaroon ng twice-to-beat advantage kaya naman tinotodo na ng mga miyembro ng koponan ang kanilang performance sa bawat laro.
Umaasa rin so Fernandez na muli nilang makukuha ang kampeonato ngayong taon matapositanghal na champions noong 2017.
Pinangunahan ni Robert Bolick ang koponan matapos nitong makapagbigay ng 19 points at 4 na assists.
Para naman sa Blazers, si Clement Leutcheu ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 12 puntos at 13 rebounds.