Hamon ni Mocha Uson kay Robredo dinedma

“Salamat sa imbitasyon, pero busy kami.”

Yan ang tugon ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa hamon ni resigned Presidential Communications Operations Office Asec. Mocha Uson na magharap sila ng pangalawang pangulo.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, pasensya na lamang daw si Uson dahil kasalukuyang nagta-trabaho ang bise presidente para sa taumbayan.

Banat pa ni Gutierrez, wala raw oras si Robredo para pansinin ang mga tsika ni Uson dahil abala ang VP sa totoong trabaho.

Kahapon, sinabi ni Uson na dahil nagbitiw na siya sa PCOO ay patas na ang laban at wala na siyang tinatago o kinatatakutan.

Isa rin si Robredo sa mga binanatan ni Uson, makaarang iginiit ng kampo ng VP na hindi dapat palusutin sa liability o pananagutan ang kontrobersyal ng ex-PCOO official mula sa mga isyu na kinakaharap nito.

Dahil dito ay hinamon ni Uson si Robredo na magharap daw sila, mata sa mata, “eyeliner to eyeliner”.

Read more...