WATCH: Quirino bridge II, binuksan na sa mga motorista

Kuha ni Ricky Brozas

Matapos ang halos anim na buwang pagkukumpuni ay muli nang binuksan sa mga motorista ang Qurino Bridge II sa Paco, Manila Huwebes ng umaga.

Dahil dito ay malaking ginhawa ang pagbubukas ng tig-dalawang lanes ng tulay para sa mga motorista na patungo sa north at south bound direction.

May habang 27.04 meters ang tulay at lapad na 3.5 meters ang kada lane. Mayroon din itong 1-metrong sidewalk.

Una nang isinara ang naturang tulay para isailalim sa rehabilitasyon at pagpapatibay at widening noong May 15, 2018.

Sabi ni Villar, bago mag-Pasko ngayong taon ay balak nilang makumpleto na ang pagbubukas ng tig-tatlong lanes sa magkabilang direksiyon para mas maraming motorista ang maserbisyuhan.

Ayon pa sa kalihim, ang pondo na ginamit sa proyekto ay nakapaloob sa Skyway extension project ng DPWH-NCR-SMDEO.

Ang Quirino bridge II ay bahagi ng circumferential road II na nag-uugnay sa mga Lungsod ng Maynila, Pasay, Makati at bahagi ng Central at Eastern side ng Metro Manila tulad ng mga Lungsod ng Quezon, Mandaluyong, Pasig, San Juan at Marikina pati na ng lalawigan ng Rizal.

Read more...