P1.7M na halaga ng shabu nasabat sa 2 drug suspects sa Maguindanao

INQUIRER File Photo

Aabot sa 1.7 million pesos na halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa dalawang big-time drug suspects sa Maguindanao.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – ARMM sa Barangay Kurintem, Datu Odin Sinsuat.

Ayon kay PDEA ARMM Director Juvenal Azurin, ang mga nadakip na suspek ay sina Mohamidin Ambak Sandigo, 28 anyos at si Sammy Ali Panalangin, 23 anyos.

Ginawa ang operasyon matapos ang isang linggong negosasyon kung saan isang ahente ng PDEA ang nagpanggap na bibili ng P5,000 halaga ng shabu.

Nakuha mula sa mga suspek ang limang malalaking sachet ng shabu.

Nagawa namang makatakas ng isa pang suspek.

 

Read more...