Pang. Duterte, SAP Bong Go tumaya sa lotto

Believe it or not.

Mismong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ay nakiisa na rin sa milyun-milyong Filipino na nakikipagsapalarang manalo sa jackpot prize ng lotto.

Ayon kay Go, noong isang linggo at ngayong araw ay nagpataya na si Pangulong Duterte ng kaniyang mga numero para sa Ultra Lotto 6/58 draw bukas.

Dalawa naman ang tinayaang kombinasyong numero ni Go.

Nabatid na papali na sa mahigit P849 milyon ang premyo sa 6/58.

Ayon kay Go sa isang lotto outlet dito sa Metro Manila nagpataya ang pangulo.

Sakali umanong manalo sinuman kina Pangulong Duterte at Go, kalahati nito ay ido-donate nila sa malasakit centers.

Ayon kay Go, may limang taon na ring tumataya paminsan-minsan ng lotto si Pangulong Duterte at ginagawa niya ito kapag malaki na ang jackpot prize.

Read more...