Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang report kaugnay sa paghuli sa isang negosyante na may dalang anim na pirasong bala sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental.
Sinabi ni CAAP area manager Jose Budiongan na hinuli ng kanyang mga tauhan at nasampahan na ng kaukulang kaso sa Misamis Oriental Prosecutor’s Office ang lalaking pansamantala munang hindi pinangalanan.
Tiniyak din ng nasabing opisyal na hindi biktima ng “tanim-bala” ang nasabing biktima tulad ng ilang mga ibinibintang na kaso sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ipinaliwanag pa ni Budiongan nan aka-handa ang kanyang mga tauhan na sumailalim sa kahit saang imbestigasyon kung may kwestyon sa pagkaka-aresto sa nasabing suspect.
Pero kung sakaling sangkot sa kaso ng tanim-bala ang kanyang mga tauhan tiniyak naman ng naturang opisyal na hindi lang pagkasibak sa pwesto kundi sasampahan din nila ng kaso ang mga ito.