Pangalan ng mga GOCCs na tumanggap ng P626M bonuses hawak na ni PNoy

Benigno-Aquino
Inquirer file photo

Hawak na ng Office of the President ang kopya ng 2014 Annual Financial Report ng Commission on Audit (COA) kung saan ay naka-detalye ang hindi otorisadong bonuses, incentives at allowances ng mga opisyal ng ibat-ibang mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na aabot sa P626Million.

Nakapaloob sa 479-page report ang mga pangalan ng mga opisyal ng ilang mga GOCCs at kung magkano ang kanilang mga tinanggap na halaga. Bukod sa tanggapan ng pangulo, binigyan din ng COA ng kopya ang liderato ng Senado at Kamara.

Sinasabi sa ulat na pinag-tibay mismo ng mga miyembro ng Board ng iba’t I ibang mga GOCCs ang halaga na dapat nilang ipagkaloob sa kani-kanilang mga sarili

Magugunita na noong maupo sa pwesto ang pangulo ay isa sa kanyang mga naging pangako ay ang paglilinis sa mga hindi otorisadong money-making scheme sa loob ng ilang mga GOCCs.

Base sa ulat ng COA, pinaka-makali ang tinanggap ng mga opisyal ng Philippine Economic Zone Authority na aabot sa P213Million.

Kabilang sa mga opisyal na tumanggap ng malaking halaga ng salapi bilang bonuses, incentives at allowances ay mula sa mga sumusunod na GOCCs.

Ang Philippine Postal Corp. (PPC) – P30.644Million; National Power Corporation (NPC) – P22.878Million; National Electrification Administration (NEA) – P20.625Million; Human Settlements Development Corporation (HSDC) – P15.203Million; Cagayan de Oro City Water District (CdOWD) – P8.175Million; PNOC Alternative Fuels Corporation (PAFC) – P3.329 Million; Metro Kidapawan Water District – P3.28Million; National Transmission Corp. (Transco) – P2.97Million; Butuan City Water District – P2.638Million.

Kasama rin sa listahan ang Development Bank of the Philippines Data Center Inc. (DBP-DCI) – P1.984Million; Malaybalay Water District – P1.776 million; Food Terminal Inc. (FTI) – P1.169Million; Sibulan Water District – P1.095Million; Borongan Water District – P675,000; Industrial Guarantee and Loan Fund (IGLF) – P604,000; Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) – P540,000; Dumaguete City Water District – P480,000; People’s Credit and Finance Corporation (PCFC) – P368,000; Baguio City Water District – P275,000; Philippine National Railways (PNR) – P189,000; Philippine Center on Economic Development (PCED) – P42,000; Metro Bangued Water District – P30,000; Tagoloan Water District – P25,000 at International Broadcasting Corp. 13 (IBC-13) – NQ (not quantified).

 

Read more...