Michael Learns to Rock babalik sa Pilipinas para sa serye ng concert

Balik-Pilipinas sa Disyembre ang pop-rock band na Michael Learns to Rock para sa serye ng concert.

Ayon sa Ovation Productions, ang banda ay may concert sa SMX Convention Center sa Davao sa Dec. 4, sa Sta. Rosa Sports Coliseum sa Laguna sa Dec. 6 at sa Waterfront Hotel Ballroom sa Cebu sa Dec. 7.

Iaanunsyo naman ang venue at petsa ng ikaapat na show ng grupo.

Kamakailan ini-release ang ikasiyam na album ng grupo na “Still”.

Tanyag ang banda sa awiting “25 minutes”, “out of the Blue”, “Take Me To Your Heart” at maraming iba pa.

Noong nakaraang taon ay nagtungo din sa bansa ang grupo at nag-perform sa Kia Theater.

Read more...