Miyembro ng Ozamis robbery group patay sa shootout sa Lapu-Lapu City

Inquirer file photo

Patay ang isang lalaki sa shootout na naganap sa Lapu-Laput City sa Cebu.

Ang lalaki na tinatayang nasa edad 40 ay hinihinalang miyembro ng Ozamis robbery group.

Ayon kay Supt. Mark Gifter Sucalit, hepe ng Lapu-Lapu City Intelligence Branch, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng intelligence office ng Ozamis City matapos matuklasan ang lokasyon ng grupo.

Nang pinuntahan ang lugar sa bahagi ng Barangay Bankal, agad na may nagpapaputok sa mga parating na pulis.

Doon na nagkaroon ng engkwentro na ikinasawi ng isa sa mga suspek.

Nakatakas naman ang dalawang iba pa.

Read more...