Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa 4 na lalawigan

Nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa apat na lalawigan na kalapit ng Metro Manila.

Sa 9:50AM advisory ng PAGASA, itinaas ang thunderstorm advisory sa Bataan, Cavite, Batangas at Laguna.

Ayon sa PAGASA ang nabanggit na mga lugar ay makararanasng malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin sa loob ng susunod na dalawang oras.

Pinayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng landslides o flash floods.

Read more...