Ayon kay Andanar, pagkaupo pa lamang niya sa puwesto sa administrasyon agad na niyang ipinanukala kay Executive Secretary Salvador Medialdea na ibalik sa OPS ang PCOO.
Pero sa dami aniya ng trabaho at event sa Malakanyang ay hindi na ito natutukan.
Ayon kay Andanar, maraming mga division sa PCOO ang nawala gayung existing ang mga ito sa Office of the Press Secretary tulad ng opisina ng Press Attache sa iba’t ibang bansa na kailangan ng representative.
Kasabay nito, tanggap din ni Andanar ang isinusulong ng isang kongresista na dapat din siyang magbitiw sa puwesto dahil sa ilang issues dahil aniya sa umiiral na demokrasya sa bansa
Dagdag ng kalihim kahit sino ay maaaring manawagan ng pagbibitiw ng isang opisyal tulad na lamang ng mga panawagang magbitiw na si Pangulong Rodrigo Duterte.