Dalawang Pinay nasawi sa aksidente sa California

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong dalawang Pinay na nasawi sa aksidente sa Palmdale, California.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ipinaabot ng DFA ang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing Pinay.

Nakikipag-ugnayan rin ang Philippine Consulate General sa Los Angeles sa mga otoridad doon para sa buong detalye ng naganap na aksidente.

Inilarawan lamang ng konsulada ang dalawang Pinay na kapwa nasa edad 60.

Ayon kay Consul General Adel Angelito Cruz ang sasakyan ng dalawa ay bumangga sa isang construction truck sa 14 Freeway malapit sa Palmdale Boulevard.

Read more...