Jordan Clarkson posibleng makapaglarong muli sa Pilipinas para sa FIBA World Cup

Malaki ang posibilidad na muling maglaro sa national team ang Fil-Am na si Jordan Clarkson.

Kinumpirma ito ni national head Coach Yeng Guiao sa isang panayam.

Ayon kay Guiao, kapag nag-qualify ang Pilipinas sa FIBA World Cup sa susunod na taon, muli nilang hihilingin ang serbisyo ni Clarkson.

Maging si Clarkson aniya ay handang maglaro para sa national team.

Nakakasiguro din si Clarkson na papayagan siya ng kanyang koponan na Cleveland Cavaliers lalot off-season naman ng NBA.

Ang FIBA world cup ay aarangkada sa August 31 hanggang September 15, 2019.

Read more...