Pagsibak kay Maglunsod, hindi crackdown sa makakaliwang grupo – Malakanyang

Nilinaw ng Malakanyang na walang ginagawang crackdown ang pamahalaan laban sa mga makakaliwang grupo o labor leaders na nakapwesto sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ng Malakanyang matapos sibakin ni Pangulong Duterte ang natitirang miyembro ng makakaliwang grupo sa gobyerno na si Labor Undersecretary Joel Maglunsod na dating miyembro ng militanteng grupo Kilusang Mayo Uno.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang inaayawan lamang ng pangulo ay ang mga illegal strikes dahil nakaabala ito sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa.

Iginiit pa ni Roque na may mga proseso na pinagdadaanan bago magsagawa ng strike.

Read more...