Resignation ni Mocha Uson huli na, ayon kay Senadora Hontiveros

Hindi napabilib si Senadora Risa Hontiveros sa pagbibitiw sa puwesto ni Mocha Uson bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCCO).

Para kay Hontiveros, huli na ang lahat dahil malaking danyos na ang nagawa ng dalawang taong paninilbihan ni Uson.

Pagdidiin ng senadora, nabahiran na nang husto ang PCOO ng mga fake news at kabastusan na nag-ugat kay Uson.

Samantala, naniniwala naman si Senador JV Ejercito na mababawasan na ang kontrobersiya sa PCOO dahil sa pagbibitiw ni Uson.

Aniya sa kanyang palagay, ang istilo ni Uson ay hindi ayon sa pagsisilbi sa gobyerno ngunit aniya epektibo ito bilang blogger at sa social media.

Read more...