Pilipinas wala pang panalo sa FIBA 3×3 U23 World Cup

FIBA

Wala pang naipapanalo sa kanilang dalawang laro ang koponan ng Pilipinas para sa FIBA 3×3 U23 World Cup na kasalukuyang nagaganap sa Xi’An, China.

Natalo ang Philippine team sa kanilang laban kontra Slovenia at Serbia.

Pinangunahan ni Ricci Rivero ang koponan at kasama niya dito sina Jeepy Faundo, RJ Abarrientos, at Rhayyan Amsali.

Sunod na makakaharap ng koponan ng bansa ang pambato ng Turkmenistan at China bukas, araw ng Biyernes.

Read more...