Naniniwala si Deputy Speaker at Surigao Representative Prospero Pichay na hindi kailangang magbitiw bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Mocha Uson.
Ang nais lamang aniya nila ay dumalo sa 2019 budget deliberation si Uson dahil may mga tanong dito ang mga kapwa niya kongresista.
Paliwanag ni Pichay, hindi nila maaaring i-hold ang budget para sa 2019 dahil ito ay para sa sambayanang Pilipino.
Sinabi ni Pichay, nainis lamang siya dahil parang pinaglalaruan ng PCOO ang Kamara matapos unang sabihin na nasa abroad pa si Uson at sunod naman ay sinabing intransit na ito.
Iginiit pa nito na dapat tumanggap ng kritisismo si Uson dahil bilang opisyal ng gobyerno ay hindi sila dapat balat-sibuyas.
MOST READ
LATEST STORIES