Mocha Uson tapat at maayos na nanilbihan sa administrasyong Duterte

Ibinida ng Palasyo ng Malacañan na naging tapat at maayos ang paninilbihan ni dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secrtary for Social Media Mocha Uson.

Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, walang bahid ng kurapsyon ang mahigit isang taong panunungkulan ni Uson sa PCOO.

Sa ngayon aniya, mas makabubuting hintayin na muna ang magiging official statement ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ginawang pagbibitiw ni Uson.

Una rito, sinabi ni Uson na kaya siya nagbitiw sa puwesto bilang sakripisyo para maipasa na ang 2019 budget ng PCOO.

Read more...