Ikinatuwa ni Senador Joel Villanueva ang pagratipika sa Senado ng bicameral committee report sa isinusulong niyang work-from-home bill.
Layon ng panukala na makapagtrabaho ang mga empleyado sa pribadong sektor sa kanilang bahay o saan man gamit ang telekomunikasyon at computer technologies.
Ayon kay Villanueva, voluntary at optional ang programa, ngunit aniya hindi dapat magbago ang uri, oras, at bigat ng trabaho gayundin ang mga benepisyo ng mga empleyado.
Sinabi pa nito na kapag naisabatas ang panukala, kailangan na bumalangkas agad ng alintuntunin ang Labor Department.
Ngunit ibinahagi ni Villanueva na kailangan munang subukan din ang programa sa ilang sektor ng paggawa ng hindi hihigit sa tatlong taon para matimbang ang mga bentahe at kakulangan nito.