Mocha Uson masaya na bilang pribadong indibidwal

Hindi na tatanggap si Mocha Uson ng bagong appointment mula kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong magbitiw bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sa isang panayam, sinabi ni Uson na masaya na siya sa pagiging private citizen.

Nabusalan kasi aniya siya mula ng pumasok sa gobyerno dahil lagi siyang sinasabihan na huwag bumatikos ng mambabatas dahil iipitin umano ang pondo ng PCOO.

Ayon kay Uson, mabuti ng wala siyang pwesto sa gobyerno at balik blogger na siya ngayon.

Samantala, kung malamig si Uson sa anumang bagong pwesto sa gobyerno, hindi pa naman ito nagdesisyon kung kakandidato sa 2019 elections.

Kokunsulta umano si Uson sa iba’t iabng grupo kabilang ang mga netizens.

Sinabihan aniya siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na hayaang magdesisyon ang mga tao kung tatakbo siya sa susunod na halalan.

Read more...