Inaprubahan ang proposed 2019 budget matapos ang dalawang linggong deliberasyon sa plenaryo ng Mababang Kapulungan.
Ang nasabing panukalang budget ay hybrid kung saan mayroong ipapatupad sa pamamamagitan ng cash-based budgetting at obligation-based.
Pinaglaanan ng pinakamalaking budget para sa susunod na taon ang sektor ng edukasyon, imprastraktura at ang sa interior department.
Sa sektor ng edukasyon naglaan ng pinakamalaking pondo na P659.3B na sinundan ng sa Department of Public Works and Highways na mayroong P555.7B habang pangatlo ang Department of the Interior and Local Government ay makatatanggap ng P225.6 billion, ikaapat ang sa Defense Department na P188.2B pondo at ikalima ang Department of Social Welfare and Development na may alokasyong P173.3B.
Pang anim naman ang DOH (P141.4B) na sinundan ng DOTr(P76.1B), pang walo ang sa Department of Agriculture (P49.8B), ika-siyam ang sa judiciary na (P37.3B) at pang sampu ang sa ARMM na may pondong P32.3B.