SWS: Tiwala ng mga Pinoy sa lagay ng ekonomiya bumaba

Dahil sa epekto ng inflation sa paggasta ng mga Pilipino, bagsak ang kumpyansa ng publiko sa ekonomiya ng bansa.

Sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula September 15 hanggang 23, nasa 31% ng respondents ang optimistic o positibo na uunlad ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon habang 20% ang naniniwala na babagsak ang ekonomiya para sa net economic optimists score na +11.

Ito ay 19 puntos na mababa sa +30 (excellent) noong Hunyo at ito na ang pinakamababa mula sa +6 (high) noong March 2015.

Ayon sa SWS, ang net economic optimists ay ang expectation o kung ano ang inaasahan ng publiko sa ekonomiya ng bansa.

Iba ito sa net personal optimism na pagtingin naman ng tao sa kalidad ng kanyang personal na buhay.

Read more...