Makabayan bloc paiimbestigahan sa Kamara ang Red October plot

Radyo Inquirer

Nais ng Makabayan bloc sa Kamara na maimbestigahan ang “Red October” plot na sinasabi ng Malacañang at militar upang patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa House Resolution 2216, isinulong ng Makabayan bloc na magsagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Human Rights upang siyasatin ang “Red October”.

Sinabi ng Makabayan bloc na nangangamba sila na ang Red October ay paraan ng pamahalaan para sa crackdown laban sa oposisyon.

Mismong ang matataas na opisyal pa anila ng militar ang nagsagawa ng media hopping para isapubliko ang Duterte ouster plot na isasakatuparan ngayong Oktubre.

Iginiit pa ng Makabayan bloc na ikinabit sa Red October ang nangyaring raid ng NBI sa Teresa, Rizal kung saan isang babaeng negosyanteng Chinese ang naaresto na nakuhanan ng matataas na kalibre ng baril na sinalungat naman ng PNP at NBI.

Halatang-halata din anila na pinaiigting ngayon ng gobyerno ang red tagging sa mga progresibong grupo na pilit idinadawit sa walang basehang Red October.

Read more...