Aniya sa milyong-milyong tagasuporta ni Uson ay pag aaralan pa nila ang magiging epekto ng hakbang ng kontrobersyal na opisyal sa kanilang mga social media campaign.
Sinabi pa ni Andanar na ikinagulat niya ang biglaang pagbibitiw ni Uson at aniya hindi niya inaasahan ito.
Gayunpaman, sinabi ni Andanar na hindi muna siya magbibigay ng mga karagdagang pahayag.
Kanina ay tinanggap na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ng opisyal.
Sa hiwalay na pahayag ay sinabi rin ni Uson na bukas siya sa pagtakbo sa Senado sabay ang pagsasabing handa na rin siyang makipag-sabayan sa mga kritiko ng pamahalaan.