Ayon kay Suarez, simula kahapon naospital ni Bertiz sa hindi malinaw na dahilan sa kanya.
Paliwanag ni Suarez, dati nang sumailalaim sa operasyon si Bertiz dahil sa bara sa ugat sa puso nito.
Kinumpirma naman ni Bertiz na nasa ospital siya kaya hindi makadadalo sa pagdinig ng House Ethics Committee sa kinasasangkutan nyang insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Bertiz hindi siya pinayagan ng kanyang doktor na lumabas ng ospital.
Kamakailan lang ay naging kontrobersiyal si Bertiz makaraan siyang makunan ng CCTV sa NAIA habang kinakastigo ang isang airport official makaraan siyang tumangging sumunod sa security protocol.