Isinapubliko na ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang listahan ng mga unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila kung saan nagrerecruit daw ang CPP-NPA ng mga estudyante para maisakatuparan ang “Red October” o ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP Deputy Assistant Chief for Operations Antonio Parlade, ang mga naturang Metro Manila universities at colleges ay ang: –
-University of the Philippines o UP Diliman at Manila
-Polytechnic University of the Philippines o PUP Sta. Mesa
-Ateneo de Manila University –
-De La Salle University
– University of Santo Tomas
– Adamson University
– Far Eastern University o FEU
– University of the East Recto at Caloocan
– Emilio Aguinaldo College
– Earist-Eulogio Amang Rodriguez
– San Beda College
– Lyceum University
– University of Makati
– Caloocan City College
– University of Manila
– Philippine Normal University
Sa mga nabanggit na unibersidad at kolehiyo raw nag-iikot ang komunistang grupo para manghimok ng mga estudyante na sumama sa Oplan Aklasan o planong pagpapatalsik sa pangulo.
Ayon kay Parlade, istilo daw ng CPP-NPA ang pagkakaroon ng film showing ng dark years ng Martial Law sa mga eskwelahan para mahikayat ang mga estudyante na mag-rebelde.
Pero nauna nang itinanggi ng CPP-NPA na mayroon silang anumang oplan laban kay Duterte.