Election period itinakda ng Comelec mula January 13 hanggang June 12, 2019

Itinakda na ng Commission on Elections ang petsa ng election period para sa 2019 national and local elections.

Sa resolusyon ng Comelec, ang election period ay magsisimula sa January 13, 2019 hanggang sa June 12, 2019.

Ang halalan ay gaganapin sa May 13, 2019, araw ng Lunes.

Ang filing ng Certificate of Candidacy naman ay iniurong sa Oct. 11 hanggang 12 at 15 hanggang 17 mula sa dating Oct. 1 hanggang 5.

Alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapona ng COC filing. At sa nasabing petsa din tatanggap ang DOH ng filing ng Certificate of Nomination at Certificate of Acceptance of Nomination ng mga Part-List group.

Ang campaign period para sa kandidato sa pagka senador at part-list group s ay mula February 12, 2019 hanggang May 11, 2019. Sa nasabing panahon, bawal ang pangangampanya ng Huwebes Santo (March 28) at Biyernes Santo (March 29).

Ang campaign period naman para sa mga tatakbong kongresista, at elective regional, provincial, city at municipal officials ay mula March 30, 2019 hanggang May 11, 2019.

Pagsapit ng May 12 na bisperas ng eleksyon at sa mismong araw ng eleksyon, May 13 ay iiral ang liquor ban at mahigpit na ring ipagbabawal ang pangangampanya.

Ang gun ban naman ay iiral sa buong panahon ng election period.

Mula Nov. 30, 2018 hanggang sa kalagitnaan ng araw ng eleksyon day ay tatanggap ang Comelec ng substitute sa mga kandidato para sa political party at koalisyon kung ang orihinal na kandidato ay nasawi o na-disqualify.

Read more...