Ani Uson, mas malaya na siya ngayon at wala na siyang iintidihing posisyon sa gobyerno na kailangang pag-ingatan.
Hindi naman pinangalanan ni Uson ang mga senador at kongresista na sinasabi niyang nanggigipit sa kaniya at sa budget ng PCOO kaya sya nagpasya na magbitiw.
Pero babala ni Uson, raratsada siya sa kaniyang blog at doon na lamang abangan ng publiko ang kaniyang mga susunod na pasabog.
Ani Uson nahirapan siyang magpasya lalo pa at sa kaniyang pagbibitiw ay nawala ang pagkakataon na makapanilbihan siya sa bayan.
Kasabay nito sinabi ni Uson na maging mga makakaliwang grupo na paulit-ulit bumanat sa kaniya ay hindi niya palalampasin.
MOST READ
LATEST STORIES