Ayon sa Department of Health (DOH) ang anim na nasawi ay mula sa mga lalawigan ng Albay at Camarines Norte.
Sinabi ni Dr. Rita Mae Ang-Bon, family cluster head ng DOH Bicol, mula Enero 1 hanggang Setyembre 29 ay nakapagtala na sila ng 239 na mga hinihinalang kaso ng tigdas sa rehiyon.
Mataas aniya ang nasabing bilang kumpara sa 61 lamang na naitala noong kaparehong petsa ng 2017.
Samantala, sinabi ni Dr. Isah Mancilla, medical officer III ng DOH Bicol, nakababahala ang pagtaas ng kaso ng tigdas sa rehiyon lalo pa at ang naturang sakit ay maari namang maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Pinayuhan ng DOH ang mga magulang na huwag matakot sa bakuna, kailangan lamang nilang magtungo sa health centers para mabakinahan ng libre ang kanilang mga anak.