Sinabi ni Sen. Win Gatchalian, chairman ng committee on Economic Affairs, maghahain sila ng resolusyon para malaman din ang magiging epekto nito sa budget at mga polisiya ng gobyerno.
Ayon kay Gatchalian hindi pa rin nagbabago ang kanyang posisyon hinggil sa mga panawagan na suspindihin muna ang pagpapatupad ng tax reform package ng gobyerno.
Aniya ang suspensyon sa TRAIN Law ay sasang-ayunan niya kapag hindi na umubra ang lahat ng ayuda at hakbang ng gobyerno para maibsan ang epekto nito sa masa.
Partikular niyang iniintindi ay ang isyu sa mataas na presyo at kulang na suplay ng bigas at sinabi ni Gatchalian na hihintayin niya ang epekto ng pag angkat pa ng milyong-milyong sako ng imported rice.
Nabanggit din ni Gatchalian na maaring maghain din ng resolusyon para tingnan ang patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.