WATCH: Mocha Uson bukas sa pagtakbo sa susunod na eleksyon

Inquirer Photo | Lyn Rillon

Hindi kinumpirma ng nagbitiw na si Asec. Mocha Uson ang mga balitang siya ay tatakbong senador o kongresista sa 2019.

Matapos magbitiw sa pweto bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sinabi ni Uson na hindi pa niya alam kung tatakbo siya sa susunod na eleksyon.

Sinabi ni Uson na bukas naman syang tumakbo pero hindi pa niya masasabi sa ngayon kung sa anong posisyon.

Ani Uson, pag-aaralan muna niya ang opinyon ng kaniyang mga tagasuporta sa Facebook para malaman ang pulso ng mga ito.

Read more...