Sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Undersecretary Joel Maglunsod.
Sa pagsibak kay Maglunsod, naubos na ang mga left-leaning officials sa gabinete ng pangulo.
Sa pahayag ng pangulo sa Camp Juan Ponce Samuroy sa Catarman, Northern Samar sinabi niyang pinaalis niya si Maglunsod.
Sinubukan naman umano niyang pagbigyan ang mga makakaliwa sa kaniyang gabinete.
Pero ayon sa pangulo kahit mga nasa pwesto na ay tuloy pa din ang gawain ng mga left-leaning officials.
“Joel Maglungsod pinaalis ko. Pinagbigyan ko sila noong bago ako kasi gusto ko ma… Nandoon sila sa opisina, Joel Maglungsod, sila lahat. Sige pa sila — sama-sama pa kami sa Davao,” ayon sa pangulo.
Magugunitang nawala na rin sa gabinete sina dating DSWD Sec. Judy Taguiwalo at dating DAR Sec. Rafael Mariano dahil hindi siya nakumpirma ng Commission on Appointments.
Sinibak naman sa pwesto si Terry Ridon bilang chairperson Presidential Commission for the Urban Poor habang nagbitiw naman si Liza Maza sa NAPC.