Bagyong Queenie isa nang supertyphoon ayon sa Joint Typhoon Warning Center

Nasa supertyphoon category na ang bagyong Queenie na mayroong international name na Kong-rey.

Ito ay base sa classification ng Joint Typhoon Warning Center na naka-base sa US.

Ayon sa JTWC taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 260 kilometers bawat oras at pagbugsong 315 kilometers bawat oras.

Katumbas na umano ng lakas nito ang isang category 5 hurricane.

Sinabi ng JTWC na gaya ng Typhoon Trami mananalasa din sa Japan ang Typhoon Kong-rey at ang direksyon nito ay patungo sa Okinawa.

Base sa sinusundang model ng PAGASA ang bagyo ay nasa Typhoon Category pa lamang sa ngayon.

Read more...