Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 875 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 245 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Hindi pa rin inaasahang tatama sa anumang kalupaan ng bansa ang bagyo at lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes.
Sa ngayon ay nakakaapekto na ang trough nito sa Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao at CARAGA Region.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nakataas naman ang gale warning sa northern at eastern seaboards ng Luzon at eastern seaboards ng Visayas kung saan mapanganib ang paglalayag.