Mahigit P3M kailangan para malutas ang problema sa pabahay ayon sa isang mambabatas

AFP

Malaking halaga ang kakailanganin ng gobyerno upang mapunan ang backlog sa programa sa pabahay sa buong bansa.

Sa kanyang pagdepensa sa budget ng National Housing Authority (NHA) para sa susunod na taon, sinabi ni Quezon City Representative Alfred Vargas na P3.6M ang kailangan para sa kakulangan ng housing units.

Sinabi nito na mabigat ang nasabing problema at kailangang buhusan ng pondo pero ang malungkot aniya ay kinaltasan ng 88.94% ang 2019 budget ng NHA.

Iminungkahi naman ni Vargas na para malutas pa rin ang backlog kahit kapos sa pondo ang gobyerno ay dapat pumasok na sa partnership ang NHA sa pribadong sektor.

Sa kasalukuyan, sa kabila ng malaking backlog, nasa 68% ang occupance rate ng pabahay projects ng gobyerno.

Read more...