May nakikita nang solusyon ang Palasyo ng Malacañan para matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon kay Presdietnial Spokesperson Harry Roque, ang joint exploration sa West Philippine Sea ang maaaring maging remedyo sa hindi maawat na pagsipa sa presyo ng oil products.
Aminado ang Palasyo na walang magagawa ang gobyerno sa pagtaas ng presyo ng oil products dahil walang pinagkukunan ng sariling gasolina ang bansa.
Mas makabubuti aniyang isantabi muna ang hidwaan sa pulitika at ituloy ang pagsusulong ng joint exploration sa West Philipine Sea.
MOST READ
LATEST STORIES