Gobyerno hinimok ng CHR na solusyonan ang karahasan at ‘culture of impunity’

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na solusyonan ang problema ng bansa sa karahasan at kawalan ng hustisya.

Ito ay matapos ang pagpatay kay La Union Mayor Alexander Buquing na pang-ilan na sa serye ng pamamaslang sa mga alkalde sa bansa.

Hinimok ni CHR Spokesperson Jacqueline de Guia ang gobyerno na magsagawa ng mga imbestigasyon sa mga pagpatay at hulihin ang mga kriminal.

Ayon kay de Guia, ang kawalan ng aksyon sa kabila ng nagpapatuloy na kawalan ng hustisya ay isang paglabag sa karapatang-pantao.

Iginiit ng CHR na 12 alkalde na at anim na bise-alkalde ang namamatay sa ilalim ng administrasyon.

Ayon sa CHR, kung ang high profile cases ay hindi nareresolba, paano pa ang libu-libong kaso ng pagpatay.

Nababahala ang komisyon na lumala pa ang kultura ng karahasan sa lahat ng antas ng lipunan matapos ang panibagong insidente ng pamamaslang sa alkalde.

Read more...