Mambabatas kay Mocha Uson: Irespeto ang Kongreso

May mensahe si ACT Teachers party-list Representative France Castro kay Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Ito ay matapos muling suspendihin ang deliberasyon sa panukalang 2019 budget ng PCOO dahil sa ‘no show’ na naman ang opisyal.

Pabalik pa lang ng bansa si Uson mula sa Estados Unidos na tatlong beses nang sinulatan ni Sec. Martin Andanar dahil kailangan ang presensya nito sa deliberasyon ng budget ng ahensya.

Iginiit ni Castro na dapat ay maging ‘accountable’ si Uson at humarap sa Kongreso tulad ng ibang opisyal ng gobyerno.

Hindi dapat anya ito magtago sa kanyang mga blog at dapat gumalang sa Kongreso bilang co-equal branch ng gobyerno.

Dahil dito ay patuloy na ipagpapaliban ang deliberasyon sa budget ng PCOO hanggang sa dumalo si Uson.

Read more...