Tatlong mga scientists ang nakatanggap ng USD1.01 milyong prize bukod pa sa Nobel Prize in physics dahil sa kanilang pag-aaral ng laser physics.
Iginawad ng Swedish Royal Academy of Sciences ang award kina Arthur Ashkin ng Estados Unidos, Gerard Mourou ng France, at Donna Strickland ng Canada.
Partikular na naimbentro ni Ashkin ang “optical tweezers” na kayang makakuha ng maliliit na particles katulad ng virus nang hindi ito masisira.
Si Ashkin, edad 96, ang pinakamatandang awardee ng Nobel Prize.
Habang tumulong naman sina Strickland at Mourou sa paggawa ng short and intense laser pulses na malaking advancement sa industrial at medical applications.
MOST READ
LATEST STORIES