Hustisya sa pinatay na mayor sa La Union, tiniyak ng Malacañan

PNP

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañan ang pananambang kay Sudipen, La Union Mayor Alexander Buquing.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng pamamaraan para mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Buquing.

Mahalaga aniya na maparusahan ang mga taong nasa likod ng krimen para maibalik ang takot sa puso at isipan ng mga pumapatay sa lipunan.

Dagdag ng kalihim, bagaman nagsisimula pa lamang ang pagsisiyasat ng Philippine National Police (PNP), maaaring pulitika ang motibo sa krimen, lalo na’t malapit na ang panahon ng eleksyon.

Nabatid na sa ilalim ng administrasyong Duterte, labing isang mayor at anim na vice mayor na ang napapatay.

Read more...