Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na naibalik na ang kuryente sa 93.43 percent na kabahayan na sinalanta ng Bagyong Ompong noong Setyembre.
Sa kanilang ulat, sa kabuuang 2,363,504 na kabahayan ay 2,208,225 households na ang may kuryente.
Nasa 12 electric cooperatives pa ang inaayos sa kabuuang 22 na nasira.
Samantala, sinabi rin ng DOE na ipinatutupad pa rin ang price freeze sa liquified petroleum gas at gaas sa apat na rehiyon na nasa ilalim ng State of Calamity.
Labing-siyam din sa 21 apektadong liquid fuel retail outlets ang balik operasyon na.
Matatandaang isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Central Luzon dahil sa pinsalang natamo ng mga ito dahil sa bagyo.