Kisame ng isang mall sa Pasay nasira matapos ang malakas na ulan kahapon

Courtesy: Cherry Mae Bermas

Isang bahagi ng kisame ng SM Mall of Asia sa Pasay City ang bumigay matapos ang malakas na ulang naranasan kahapon sa Metro Manila.

Kinumpirma ito ng mall sa pamamagitan ng isang pahayag sa kanilang Facebook account.

Sa video na kuha ni Cherry Mae Berma, makikitang nakalaylay ang isang ilaw dahil sa pagbagsak ng kisame.

Makikita rin ang pag-agos ng tubig ulan.

Tiniyak naman ng pamunuan ng mall na walang nasaktan sa insidente.

Nagpatuloy din ang normal na operasyon ng mall habang isinasagawa ang maintenance activities.

Read more...