Niyanig ng isang magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental, madaling araw ng Miyerkules.
Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang lindol kaninang ala-1:05 ng madaling araw.
Naitala ang episentro ng pagyanig sa 133 kilometro timog-silangan ng nasabing bayan.
May lalim itong 11 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian o aftershocks ang naturang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES