Inurong ang release date ng bagong album ng Queen of Pop na si Madonna.
Sa isang panayam, sinabi ng singer na sa 2019 niya ilalabas ang kanyang bagong album.
Ito ay taliwas sa nauna niyang panayam noong Agosto, kung saan sinabi nito na sa katapusan ng taon ito ilalabas.
Sa kaparehong panayam, sinabi ng Queen of Pop na malaking impluwensya sa kanyang bagong album ang kanyang pananatili sa Portugal, kung saan siya nanatili upang suportahan ang kanyang anak sa sport na soccer.
Sinabi ni Madonna na sa ngayon ay tinatapos na niya ang recording ng kanyang mga awitin.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang magiging title ng bagong album ng singer. Ngunit nauna na nitong ipinakita ang tila isang album o single cover na pinamagatang “Beautiful Game.”