Lyceum tinalo ang Mapua sa NCAA men’s basketball

Napalapit ang Lyceum of the Philippines University (LPU) Pirates sa twice-to-beat advantage matapos nilang magwagi kontra Mapua University Cardinals sa kanilang naging tapatan kagabi para sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament.

Natapos ang tapatan sa iskor na 92-76, pabor sa Pirates.

Dahil sa naturang pagkapanalo ay mayroon nang win-loss record na 14-1 ang koponan at nananatiling nasa unahan ng torneo.

Nasa ika-siyam na pwesto naman ang Cardinals na mayroong 4-1 win-loss record.

Masaya naman ang head coach ng Lyceum na si Topex Robinson dahil sa kanilang pagkapanalo.

Aminado naman ito na magiging mahirap ang mga susunod na laban lalo na’t makakaharap nila ang Letran, Benilde, at San Beda sa mga darating na linggo.

Pinangunahan ni CJ Perez ang koponan matapos nitong makapagbigay ng 20 puntos at 11 assists.

Para naman sa Mapua, si Warren Bonifacio ang nanguna na mayroong 17 points.

Read more...