Budget deliberation ng PCOO muling ipinagpaliban

Muli na namang ipinagpaliban ang deliberasyon sa plenaryo ng Kamara para sa panukalang P1.4 bilyong budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ito ay matapos kwestyunin ni ACT Teachers Representative France Castro kung nasaan si Assitant Secretary Mocha Uson.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, sinulatan na niya si Uson na para sabihing kailangan itong dumalo sa budget deliberation sa Kamara.

Gayunman, walang natanggap na sagot si Andanar.

Sinabi ni Andanar na sa kanyang pagkakaalam ay pabalik na ng Pilipinas si Uson mula sa biyahe sa Estados Unidos at dadating sa bansa ngayong.

Nauna rito, hindi rin natuloy ang pagtalakay sa budget ng PCOO noong nakalipas na linggo dahil no show si Uson.

Read more...