Ayon kay Bertiz, wala siyang intensyon na insultuhin ang sektor ng kababaihan sa kanyang tinuran sa press conference kahapon.
Ito na ang ikaapat na ulit na humingi ng sorry ang mambabatas matapos masangkot sa kontrobersya kung saan ang una ay ang biro nito sa PRC event, ikalwa ay sa isang OFW na nakasigawan nito sa Hong Kong at ikatlo ay ang inasal niya sa NAIA.
Nilinaw rin nito na wala siyang balak magbitiw bilang kongresista sa kabila ng mga natatanggap na batikos matapos ang komprontasyon sa paliparan.
Nauna rito, pumalag ang Gabriela Women’s Party sa pahayag ng kongresista at iginiit na ang tunay na isyu ay ang pagiging arogante niya.
Idinagdag nito na nakatakda na niyang i-surrender sa NAIA ang security ID ngayong araw kahit na hindi ito ni-revoke ng pamunuan.