Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 1,130 kilometers East ng Tuguegarao City.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 245 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Ayon sa PAGASA, hindi inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa ang bagyo.
Hindi rin magtataas ng public storm warning signals bunsod ng Typhoon Queenie.
Sa Biyernes lalabas ng bansa ang bagyo at magtutungo sa Japan.
MOST READ
LATEST STORIES